Una sa Balita

Mga SM official, player: ‘Di kami game fixer!

0 395

ITINANGGI ng mga opisyal at ­manlalaro ng Soccsksargen ­Marlins basketball ang pagbebenta ng laro sa 3rd Maharlika ­Pilipinas ­Basketball League 2019-2020 sa nakalipas na Hulyo-Oktubre.

Ginawa ang bagay ng 17 katao sa kanilang mga isinumiteng counter-aafidavits nitong Biyernes kay ­Assistant State Prosecutor ­Kristhine Salumbides bilang tugon sa sinampang kaso sa kanila ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdez sa huling bahagi ng ­nakaraang taon.

Ang mga ­nagdiing ‘di sila sangkot sa pag­huhulog ng mga laro sa liga ay sina ­Soccsksargen Marlins team ­manager Kevin ­Espinosa, coach ­Fedinand ­Melocoton, at players Jake Diwa, Exequiel Biteng, ­Jerome Juanico, ­Matthew ­Bernabe, Julio ­Magbanua, Abraham Santos, John Patrick Rabe, Ryan ­Regalado, Janus ­Lozada, Ricky ­Morillo, and ­Joshua Alcober.

Gayundin sina Quezon City Capitals team manager Nino ­Dionisio, Serafin Matias, Nice ­Ilagan, and EJ Avila.

Akusado rin si Sonny Uy at tatlo pang Chinese nationals. Pero mga nakilala lang na mga Mr. Sung, Kein, at Emma na mga ‘di nakapagdala ng counter-affidavits at liban pa sa nakaraang mga pagdinig ng korte sa kaso.

Kaya pinasu-subpoena sila sa National Bureau of Investigation ni Salumbides. (ADE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More