Una sa Balita

Mga singer na pinaghihinalaang bading iritada kay Mark

By
0 5,256
Dahil nga sa pag-amin ni Mark Bautista na isa siyang bisexual dahil sa book niyang Beyond The Mark, marami pang ibang si­ngers na pinagdududa­hang katulad din ni Mark ang inaasahan ng public na mag-out na rin in the near future, huh!
 
Pero komento naman ng iba, mukhang malabong mangyari na magpaka-Mark Bautista rin ang mga ito dahil hindi na nga naman sila original, ‘noh?!
 
Mas may impact nga naman ang ginawa ni Mark dahil nauna siya at naglabas pa siya ng book na isang certified bestseller!
 
Baka kung tutulad nga naman ang ibang singers na pinaghihinalaan din na bisexual ay maging poor second lang sila kay Mark! Kairita nga  naman ‘yon.
***
Bianca binigyan ng trip to Japan ni Miguel
 
Marami ang napahanga sa bonggang debut gift ni Miguel Tanfelix sa kanyang Kambal Karibal lea­ding lady na si Bianca U­mali, huh! Trip to Japan lang naman ang iniregalo ni Miguel kay Bianca, ‘noh?!
Take note! All expense paid trip ‘yon!
 
Marami nga pala ang gandang-ganda kay Bian­ca sa debut party niya sa EDSA Shangri-La Hotel noong Saturday at sabi ng GMA 7 executive na si Ms. Lilybeth Rasonable, bukod sa heartwarming ang event na ‘yon, kinilig din daw siya sa ginawa ni Miguel para sa dalaga!
*** 
Martin awang-awa sa pagkatsugi ni KZ
 
Anak-anakan ni Martin Nievera si KZ Tandingan at na-sad ang Concert King sa pagkaka-eliminate ng dalaga sa Singer 2018, ang show ng China kung saan ay nakasali ang fashio­nistang singer.
 
Aksidente lang pala na napanood ni Martin ‘yung pagkaka-eliminate kay KZ dahil nasa Solaire Resort & Casino siya (may ilang events siya roon) at naghahanap ng mapapanood sa TV at nadaanan nga niya ang cable channel kung saan palabas ang Singer 2018.
 
Sa tsikahan namin kay Martin, nabanggit namin ang kumakalat na tsikang babalik si KZ sa Singer 2018 bilang wildcard daw, pero clueless ang Concert King.
 
Eh, mukhang kahit tatay-tatayan siya ni KZ ay hindi rin naman puwedeng magkuwento sa kanya ang anak-anakan tungkol sa mga nangyayari sa Singer 2018 dahil bawal nga naman ‘yon sa mga reality TV show na sinalihan nito.
 
Anyway, umaasa nga ang mga fan ni KZ na sana totoo ang tsikang ‘yon na magbabalik pa sa Singer 2018 ang kanilang idolo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy