Una sa Balita

Mga sikyo person of interest sa Cebu mall robbery

0 398

Kinokonsiderang person of interest ang lahat ng security guard na naka-duty sa JCentre Mall sa Mandaue City, Cebu nang manakawan ito noong Sabado.

Ayon kay Police Col. Ildebrandi Usana, deputy regional director for administration ng Central Visayas, makikipagpulong ito sa mga sikyo ng mall upang malaman kung bakit bigo ang mga ito na makita ang dalang baril ng mga suspek.

Makikipag-ugnayan din umano ang pulisya sa Commission on Human Rights (CHR) para maimbestigahan ang pagkamatay ng apat sa mga suspek noong Linggo, Oktubre 20, sa Bogo City.

Matatandaan na noong Oktubre 19 ay pinasok ng tinatayang 15 kalalakihan ang nasabing mall at binasag ang display table ng ilang stall saka ninakaw ang mga alahas at pera na aabot umano sa P136 milyong piso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy