Una sa Balita

Mga sikat na personalidad isinusuka sa ibang bansa

0 1,273

Ni: Ruel Mendoza

Dahil sa naging issue ng aktor na si Tony Labrusca sa immigration officer dito sa Pilipinas, binabantayan na ng Bureau of Immigration ang ilang celebrity na ang hawak ay foreign passport at inaalam kung meron ba itong mga working permit.

Marami pa ang mauungkat sa kaso ni Labrusca at ang pinakamatinding magiging parusa sa kanya ay deportation kung mapatunayan na wala siyang proper documents para manatili at magtrabaho sa bansa.

Isa sa pinaka-powerful na department ng gobyerno ang Bureau of Immigration sa kahit saang bansa. Kapag napatunayan na isa kang “undesirable alien”, puwede kang ma-deport sa iyong pinanggalingan na bansa at ma-ban ka sa pagpasok sa isang bansa.

Na-ban na noong pumasok sa Pilipinas ang British band na The Beatles noong 1966 pagkatapos nilang isnabin ang imbitasyon ng Malacanang Palace na makipag-meet kay First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Noong 2009, pina-ban ng Pilipinas ang Hollywood actor na si Alec Baldwin pagkatapos nitong gawing biro sa isang talk show ang tungkol sa sex trafficking sa Pilipinas.

Alamin natin kung sinu-sino pa ang mga international celebrity na banned sa ibang bansa…

SNOOP DOGG
(banned sa U.K., Norway at The Netherlands)

May kasong pagba-vandal sa isang duty-free shop sa Great Britain in 2006 si Snoop Dogg. Sa Netherlands naman ay nagpakita ng hindi magandang ugali ang rapper sa isang mayor kaya pina-ban siya noong 2010.

Sa Norway naman ay nahulihan si Snoop na may kargang 8 grams of marijuana and cash exceeding the legal limit noong 2012.

JUSTIN BIEBER
(banned sa China)

Hindi raw nirespeto ni Justin Bieber ang mga mahahalaga at importanteng bagay sa China kaya pina-ban siya noong 2013 due to his bad behavior. Una ay ang isang disrespectful photos na kuha niya sa Great Wall of China at pangalawa ay ang ginawa niyang reckless skateboarding sa Beijing.

LADY GAGA
(banned sa Indonesia)

Hindi kinaaaliwan ng Muslim countries si Lady Gaga dahil feeling nila ay magkakalat daw ito ng sata­nic faith sa kanilang bansa. Tinawag pa siyang dangerous.

Noong 2012, banned si Gaga na mag-perform sa Indonesia dahil daw sa style nito na vulgar at ang sexual and indecent clothes niya ay nakakasira sa sense of morality ng mga bata.

BOY GEORGE
(banned sa U.S.A.)

Na-ban na pumasok sa US noong 2008 ang British singer na si Boy George dahil sa na­ging trial nito sa U.K. Sinampahan siya ng reklamong assault at false imprisonment of a male escort.

SACHA ­COHEN BARON
(banned sa Kazakhstan)

Na-ban ang aktor na si Sacha

Baron Cohen na pumasok sa bansang Kazakhstan dahil sa ginawa niyang pelikula noong 2006 na Borat! ­Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan.

Malicious and politically incorrect daw ang pag-portray ni Cohen sa kanilang bansa.

BEYONCE KNOWLES
(banned sa Malaysia)

Pina-ban ng bansang Malaysia si Beyonce Knowles noong 2007 dahil offended daw ang Pan-Malaysian Islamic Party sa choreography nito sa kanyang concert.

Dahil sa strict Muslim leadership, masyado raw provocative si Beyonce para sa kanilang bansa.

MILEY CYRUS
(banned sa China and Dominican Republic)

Dahil sa mga tasteless photo noong 2009 ni Miley Cyrus kaya banned siyang pumasok at mag-perform sa bansang China.

Ayon sa Chinese foreign mi­nister, ipo-pollute lang daw ni Miley ang utak ng mga bata with her American ignorance.

Noong 2014 naman ay na-ban siya sa Dominican Republic dahil may mga nagawa siya against morals at customs si Miley na punishable by Dominican Law.

BRAD PITT
(banned sa China)

Banned sa bansang China ang Hollywood actor na si Brad Pitt for over 15 years dahil sa ginawa niyang pelikulang Seven Years In Tibet in 1997.

Ayon sa Chinese government, na-offend daw ng pelikula ang ilang Chinese military people dahil pinalabas sa pelikula na mga brutal, bastos at mapanakit silang tao.

PARIS HILTON
(banned sa Japan)

Dahil sa two misdemeanor charges na may kinalaman sa cocaine possession in Las Vegas, na-ban si Paris Hilton na pumasok sa bansang Japan in 2010.

Nagpumilit ang hotel heiress na pumasok sa Japan para sa promotional tour ng kanyang fashion and perfume line. Pina-detain siya sa airport for 6 hours at pagkatapos ay pinadiretso siya sa isang airport hotel.

MARTHA STEWART
(banned sa U.K.)

Banned na pumasok sa United Kingdom ang Goddess of Homemaking na si Martha Stewart bunga ng kanyang 2004 felony conviction dahil sa kasong insider trading.

Noong 2008, naimbita­han si Martha na magbigay ng speech sa Royal Academy in London. Pero she was denied of a visa dahil sa kanyang “serious criminal offenses abroad”.

KATY PERRY
(banned sa China)

Na-ban na mag-perform sa bansang China si Katy Perry noong 2017 dahil sa naging kaso nito sa pagsuporta sa Taiwanese independence.

Noong 2015, nagsuot ng glittery dress na may sunflower si Katy sa Taipei bilang suporta sa Sunflower Student Movement na nagprotesta laban sa Cross-Strait Service Trade Agreement.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy