Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga sikat, mayaman sure win sa 2022

0 411

MAYAYAMANG kandidato lamang ang pangunahing makikinabang sa plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbabawal ang ‘face-to-face’ kampanya sa darating na halalan dahil na rin sa panganib na dulot ng COVID.

Ayon ito kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na pumalag sa naturang plano ng Comelec dahil magiging kaawa-awa lamang umano rito ang mahihirap na kandidato at mga botante.

“If face-to-face campaigning would be prohibited, candidates would have to rely on online and media ads campaigning which is very expensive and only the rich candidates can afford that. If this happens then the next elections will just become a contest for the rich and famous while more Filipinos are disenfranchised,” ayon kay Zarate.

Dahil dito, panawagan ni Zarate sa Comelec na muling ikonsidera ang naturang plano at pahintulutan ang face-to-face campaigning basta ang mahalaga ay mahigpit na sumunod sa health protocols.

Dagdag pa ng Solon, dahil paparating na rin ang bakuna ay asahan na umano na ang campaign restrictions at guidelines ay maipapakalat na sa publiko.

Samantala, hindi problema sa Malacañang ang inilalatag na mga pagbabago ng Comelec para sa election campaign.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na lahat ng desisyon o plano ng Comelec ay tiyak aniyang ipaparating sa Inter-Agency Task Force (IATF).

“Inaasahan naman po natin na sa lahat ng mga referendum, mga eleksiyon, mga plebisito, bagama’t sa ilalim ng batas ay nasa hurisdiksiyon ‘yan ng Comelec, eh nagkakaroon naman po ng ugnayan sa panig ng IATF at Comelec,” ani Roque.

Ang mahalaga ayon sa kalihim ay matiyak ang kaligtasan ng publiko kaya mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng IATF at ibang sangay ng gobyerno gaya ng Comelec. (Eralyn Prado/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.