Una sa Balita

Mga showbiz event kanselado dahil sa bagyo

0 432

abante-anything-goes-jun-lalinDahil sa sinasabing malakas na bagyo na tatama sa ating bansa bukas ng gabi, may ilang taping at shooting na pala ang nag-cancel. Mahirap na raw kasi na bagyuhin sila sa set at hindi naman sila makatapos ng mga eksenang kailangang kunan.

Anyway, marami ang nananalangin na hindi sana magkatotoo ang malakas na bagyong padating sa ating bansa.

 

Janine mana sa husay nina Nora, Boyet, Eddie

 

Ang story conference kahapon ng isang Regal Entertainment movie ang pinagkaabalahan ni Janine Gutierrez. Elisse ang pangalan ng character na gagampanan ni Janine sa movie.

Pet project daw ito ng direktor na si Joel Ferrer at isa itong drama. Wala namang problema ang drama project kay Janine dahil mana naman siya sa galing sa pag-arte ng nanay niyang si Lotlot de Leon at lolang si Nora Aunor pati na ng tatay niyang si Ramon Christopher at ang mga lolong sina Eddie Gutierrez at Christopher de Leon.

Nang ikuwento kay Janine ng manager niyang si Leo Dominguez ang istorya ng pelikulang ‘yon, sobra na raw na-excite ang dalaga. Bale bukod sa Victor Magtanggol ng GMA 7 ay pagkakaabalagan na rin ni Janine ang shooting ng nasabing pelikula.

Nang ilapit nga pala sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang pelikulang ‘yon ay nasabi nila na perfect talaga na magbida roon si Janine! Tuwang-tuwa nga pala ang mga fan ni Janine nang malamang may gagawin na rin siyang bagong pelikula.

 

Sapatos na ipinambato ni Cardi kay Nicki pinagpiyestahan nina Raymond, Georgina

 

Naaliw ako sa grupo ni Raymond Gutierrez na um-attend sa Bali, Indonesia wedding ng kaibigan nilang si Martine Cajucom (cousin nina Georgina Wilson at Isabelle Daza).

Nang mabalitaan kasi nila na binato ni Cardi B ng sapatos si Nicki Minaj, hindi sila nag-aksaya ng oras at talagang inalam nila kung anong brand ‘yung sapatos na ibinato, huh!

Super Google nga sila at si Georgina raw ang nakaalam ng brand. D&G daw ang brand ng sapatos na ibinato kay Nicki, huh!

Anyway, ‘yung wedding daw na pinuntahan nila sa Bali ay super small but nice raw at hanggang kahapon doon si Raymond at kagabi siya nakabalik ng bansa.

Nakakatuwa raw na ang anak ni Georgina, si Archie Burnand ang ring bearer sa wedding na ‘yon.

Wala nga pala roon si Anne Curtis dahil may work daw samantalang si Liz Uy at nasa New York City naman para sa Fashion Week.

Back to work nga pala sa Pilipinas si Raymond dahil by October ay pupunta naman siya sa Los Angeles, California kung saan ay may ibang work na naghihintay sa kanya.