Una sa Balita

Mga showbiz boylet feel na feel magpasilip ng wetpaks, bukol sa IG

0 565

Kung palaban ang mga kababaihan sa pagpapasilip ng katawan sa social media, hindi rin nagpapakabog ang mga kalalakihan, ha!

At sa ngayon, winner sa pagpapakita ng halos hubo’t hubad na photo sina Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Catriona Gray, pati na si Hashtag Nikko na halos ipasilip na ang puwet niya, at kulang na lang ay ibuyangyang ang kanyang nota.

Pasok din sa ganiyan si Zeus Collins, na lagi ngang topless, at palaging may pabukol. Puwede rin ang singer na si Jason Dy, na pasilip din ng jutong. Wagi rin si dating EB Bae na si Tommy Penaflor, na with matching pag-indayog pa ng kanyang harapan.

Hindi rin papahuli si Ruru Madrid na palagi ring naka-emote sa IG, pati na si Derrick Monasterio na parang feel na feel na pinagnanasaan siya. Paminsan-minsan ay naglalabas din si Matteo Guidicelli ng mga sexy photo niya, pero ang latest nga, maiksi nga ang shorts niya, tinakpan naman niya ang harap niya. So, bitin ang mga fan.

Well, sa ngayon, hanggang bukol, pasilip ng puwet pa lang ang nakikita sa IG. Naku baka dumating ang araw na pati ‘notes’ nila ay ibuyangyang na nila, para lang makahamig ng maraming follower.

Piolo-Bea super lambingan, harutan sa Norway

So ‘yun na nga, sinakyan na nang husto nina Bea Alonzo at Piolo Pascual ang pagsi-sheep sa kanila ng mga fan, ha!

Mula sa simpleng ‘tayo na lang, tayo na lang ulit’ na linyahan ni Papa P kay Bea sa stage ng show nila sa Oslo, Norway, heto nga at nasundan na ng katakot-takot na lambingan, ha!

Aba, makikita na nga sa mga Instagram story ng mga kasama nila sa Norway ang holding hands, subuan, yakapan nilang dalawa, ha! At siyempre, todo dasal na ang mga fan nila na totohanin na nila ang mga eksena.

Drew Arellano walang balak lumipat sa ABS

Ni sa hinagap, wala raw plano si Drew Arellano na layasan ang GMA, o lumipat sa ABS-CBN. At kunsabagay rin, wala rin naman daw interest ang Dos na kunin siya, kaya walang isyu.

Sabi nga ni Drew, wala naman sa isip niya ang maging pinakasikat na artista sa Pilipinas na tulad ni Alden Richards. Sapat na at kuntento na siya sa kung ano ang posisyon niya ngayon sa telebisyon.

Kuntento siya sa “Biyahe ni Drew”, kaya laking tuwa niya nu’ng papirmahin ulit siya ng kontrata ng Kapuso station, ha!

At ang bongga ni Drew, dahil mismong si GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon ang dumalo sa contract signing niya, at kasama pa sina Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa L. Flores; First Vice President for Public Affairs Ianessa Valdellon; at Asian Artist Agency Representative Rowena Salido.

Present din sina Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz; Senior AVP for Public Affairs Neil Gumban; Assistant Vice President for Public Affairs Jaileen Jimeno; Biyahe ni Drew Program Manager Karen Lumbo; at AHA! Program Manager Mildred Ablanque-Irum.

“‘Yung andito siya for 14 years is well-appreciated. Isa siya sa magagaling nating talents sa Public Affairs. At tayo naman ay talagang galak na galak na pinili na naman niyang manatili sa ating istasyon,” sabi ni Atty. Gozon.

Sabi ni Drew, feeling niya ay hindi naman siya nagtatrabaho sa Kapuso network. “If you love your job, it doesn’t seem like job. I get to travel with the entire ‘Biyahe ni Drew’ crew or make kids learn through ‘AHA,’” sabi niya.

Bukod pa sa awards para sa parehong “AHA!” at “Biyahe ni Drew”, si Drew ay isang Anak TV Makabata Awardee at kinikilala bilang Best Travel Show host ng iba’t ibang award-giving bodies tulad ng 2019 YAEHADEMIC Awards, 1st Philippine Tourism Awards, PMPC Star Awards for TV, Alta Media Icon Awards, UPLB’s Gandingan Awards at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy