Una sa Balita

Mga service contractor pabor sa pagbuwag sa endo

0 2,702

SUPORTADO ng Philippine Society of Management Services (PSMS) ang hakbang ng pamahalaan na buwagin ang end of contract o endo sa hanay ng paggawa.

Inilabas ng PSMS, samahan ng mga lehitimong management service professional at service contractor, kamakailan ang kanilang posisyon sa usaping endo, 555, o contractua­lization.

Kasabay nito ang ­paglilinaw ng PSMS, na may mahigit 20 taon nang karanasan sa industriya, na ang ‘job contracting’ o ‘service contracting’ ay magkaiba sa tinatawag na endo. Paliwanag nila, ang endo, 555, o contractualization ay ang pagkuha sa manggagawa nang hindi hihigit sa limang buwan para maiwasan ang regula­rization. Ito ay mali at hindi sinusuportahan ng grupo.

Sa kabila nito, ang service contracting ay nagtataguyod na magkaroon ng regular na trabaho ang mga manggagawa upang maiangat ang dignidad at kalidad ng kanilang buhay at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang service contracting ay nagbibigay ng 1.3 mil­yon na regular na trabaho sa manggagawang Filipino at 35 bilyong pisong buwis bawat taon.

Pahayag pa ng grupo, ang lahat ng manggagawa na nasa kanilang pangangalaga ay mga regular na empleyado na nakatatanggap ng tamang pasahod, mga benepisyo at security of tenure. At siniguro rin nilang hindi mawawalan ng trabaho anumang oras ang mga ito.

Nakikiisa ang PSMS sa gobyerno na tuluyan nang alisin ang endo at ipagpapatuloy na siguraduhin ang pagsunod sa batas ng lahat ng miyembro ng service provider.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy