Una sa Balita

Mga senior citizen, PWD bigyan ng patas na suweldo — DOLE

0 599

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na ibigay sa kanilang mga senior citizen at person with disabilities (PWD) na manggagawa ang patas na sahod at benepisyo.

Inilabas ni Labor Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez ang abiso kasunod ng mga lumabas na la­rawan sa iba’t ibang social media site tulad ng Facebook ng mga senior citizen at PWD na nagtatrabaho sa mga fast food chain at restaurant sa Metro Manila.

“Napansin namin ang magandang pag-unlad na ito sa mga kompanya na tumanggap ng mga senior citizen at PWDs dahil sa pinaigting na adbokasiya ng ating pamahalaan. Gayunman, pinaaalalahanan namin ang mga senior citizens at PWD na manggagawa dahil may karapatan rin silang makatanggap ng patas na suweldo at oportunidad sa kanilang mga pinagtatrabahuhan,” ani Benavidez.

Sa industriya ng fast food, sinabi niya na ang four-hour work scheme ng mga senior citizen at PWD ay dapat na alinsunod sa Minimum Wage Law habang ang pagtatrabaho nang higit sa walong oras ay dapat na bayaran ng karampatang overtime pay. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy