Una sa Balita

Mga senador tamang duda sa panalo ng Mislatel-Dennis Uy

By
0 559

AALAMIN ng isang grupo ng mga senador kung bakit ang Mislatel Consortium ang siyang napili bilang ‘provisional’ third telecommunication company o telco sa bansa.

Bunsod ito ng mga espekulasyon na pina­boran ang Mislatel dahil isa sa may-ari nito ay ang Davao-based businessman na si Dennis Uy na siyang mayhawak ng Udenna Corporation at Chelsea Logistics Holdings Corp. Bukod sa dalawang kompanya ay kasama din sa consortium ang China Telecom at ang Mindanao Islamic Telephone Company.

“The selection of the joint venture of a Davao-based businessman and state-owned China Telecom as the provisional new major telecommunications player should be examined carefully,” saad ng minorya sa kanilang pahayag.

“What qualified it in the first place? Why were the other bidders booted out? What is the track record of the winning bidder in the telecommunications business? Was the government opening up the bidding to other players just a formality? Masabi lang that the go­vernment went through the process?” tanong pa ng mga ito.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, maaaring gamitin ng Senado ang kanilang oversight power upang mabusisi ang pagkakapanalo ng Mislatel.

Itinanggi naman ng Malacañang na kaya nasungkit ng negosyanteng si Dennis Uy ang third telco ay dahil sa kaibigan nito si Pangulong Rodrigo Duterte.