Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga senador ninerbiyos! Bato sapol ng COVID-19

0 271

Natakot ang mga senador nang malamang nagpositibo sa COVID-19 si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

“Kagabi nung nalaman namin siyempre nagka-nerbiyosan pero tsinek muna natin pinatingnan ko agad sa CCTV, sinu-sino ang nakatabi nakadaupang palad. Tumawag naman sya agad, sinabi niya agad,” pahayag ni Senate President Tito Sotto sa panayam sa radyo kahapon.

Dinagdag pa ni Sotto na kumilos rin agad si Sen. Migz Zubiri matapos malamang nagpositibo si Sen. Bato.

“Ginawa ni Zubiri, nerbyoso ‘yun, graduate un e, nagpatawag agad ng doktor at nagdala ng pang swab para lahat ng gustong magpa-test na maaaring andun noong Wednesday ay magpa-check,”ani pa ni Sotto.

Agad naman umanong nagpa-check ang lahat ng nasa sesyon para makasiguro.

“Nagpatsek kami agad kahit madaling- araw, 12:30 awa ng Diyos naman lahat negative,” dagdag ng Senate President.

Sabi pa ni Sotto maingat si Sen. Bato naka-mask at naka- face shield ito sa Senado.

“Wala naman siyang kilos na alanganin saka sandali lang naman siya ‘di naman siya nagtagal ng hanggang madaling- araw,” dagdag nito.

SM food to go Banner Ad

Naniniwala si Sotto na humina ang resistensya ni Bato dahil nag-bike ito at naulanan at nainitan.

Bunsod nito ay inatasan ni Sotto ang lahat ng dumalo sa hearing na kasama si Dela Rosa na mag-quarantine.

Sa Facebook post ay kinumpirma ni dela Rosa nitong Sabado na nagpositibo siya sa naturang sakit.

“I am sorry to inform you that I tested positive for covid19 yesterday,” saad ng mambabatas.

“To all who made contact with me please do the [appropriate] protocols,” aniya pa.

“Sen. Bato has cough and cold po. His eldest daughter also tested positive but she’s asymptomatic,”ayon kay Cecile dela Rosa, MRO ng senador.

Si Bato ay panlima na sa mga senador na tinamaan ng COVID-19.

Maliban kay Bato ay negatibo ang iba pang senador matapos sumalang sa anti-gen test, Biyernes ng gabi.

Nauna nang nagpositibo pero kalaunan ay nakarekober sina Senador Miguel Zubiri, Sonny Angara, Koko Pimentel at Bong Revilla.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.