Una sa Balita

Mga senador, empleyado binulaga ni Sotto sa drug test

By
0 777

PINANGUNAHAN­ mismo­ nina Senate Presi­dent Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Gringo Honasan ang mga empleyado ng Senado sa pagsailalim sa surprise random drug test, kahapon.

Matapos ang flag raising activity, inanunsyo ni Sotto ang pagsasagawa ng random drug test bilang pagsunod­ anya sa Dangerous Drugs Act of 2002 at Civil­ Service 2017 ­Circular No. 13.

“As part of the Senate’s­ commitment to a drug-free environment and workplace and pursuant to our revised po­licy guidelines, there will be a random mandatory drug testing to be conducted today, immedia­tely following the flag raising ceremony,” saad ni Sotto.

Nasa 400 empleyado ng Senado ang isinalang sa testing na ginamitan ng five-panel test upang sakupin ang lahat ng uri ng droga.

“Five panel test is buo talaga yan. It’s not confine to merely shabu and marijuana which is the common drug test. The five panel test will include all possible dangerous drugs like ­cocaine, heroin, other drugs. Pati party drugs,” saad ni Sotto.

Bukod kina Sotto at Honasan, sumabak din sa drug test si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Tiniyak naman ni Sotto na magiging transparent­ ang resulta­ ng pagsusuri subalit ­nilinaw na ang mga ­empleyadong magpopositibo sa ­unang test ay sasalang pa sa ­confirmatory test.

Sakali anyang magpositibo pa rin sa confirmatory test ay isasalang ang mga ito sa counselling at rehabilitasyon.