Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga sementeryo sa Davao, higit 2 linggong sarado

0 113

TATLONG linggong isasara ang mga sementeryo at columbarium sa Davao City.

Nagsimula ito kahapon, October 24 at tatagal hanggang November 7, 2021.

Ipinag-utos ang temporary closure para mapigilan ang pagdagsa ng mga tao sa public at private cemeteries at columbaria sa All Saints’ Day (Undas).

Gayunma’y papayagan naman ang mga libing at bisita sa death anniversary, 40th day at kaarawan ng namatay. Pero immediate family members lang ang puwedeng dumalaw.

Kabilang naman sa hirit ng LGU na guidelines sa mga papayagang makapasok sa sementeryo ay: Minimum public health protocols; 8am hanggang na 5pm na pagbisita at may cut-off na 4:30pm; 30 minuto lang pwede bumisita; pwedeng bumisita ang below 15 years old and above 65 years old pero kasama ang immediate family members.

Bawal din ang mga backpacks, jackets, tents, alak , illegal drugs, matutulis na bagay at tents. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.