Una sa Balita

Mga SEAG volunteer ginawang patay-gutom

0 440

Binatikos ng mga volunteer ang hindi pagiging organisado ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) partikular sa pagpo-provide ng pagkain at iba pang benepisyo na ipinangako sa kanila.

Ayon sa reklamo ng isang volunteer na ayaw magpabanggit ng pangalan, noong unang usapan ay 4-12 araw lang ang kanilang gagawing serbisyo sa SEA Games na bigla na lang umanong nag-iba nitong mga huling araw.

“Now, they suddenly change that and expect the volunteers to agree?” dagdag pa niya.

Ikinadismaya rin niya ang kawalan ng insurance sa katulad niyang volunteer na pumayag ng libreng serbis­yo sa SEAG. Umaabot sa 4,000 ang volunteer sa SEAG.

Tinanong umano nila ito sa Phisgoc na nangako naman na gagawan nila ng paraan.

Hindi rin aniya malinaw ang gagawin nila dahil walang ‘clear assignments’ sa kada volunteer. “I myself have no idea what I’m going to do. I don’t know what team I am part of,” aniya.
Ilan din sa mga volunteer ang nag-share na ng kani-kanilang karanasan gaya ng hindi pag-asikaso sa pagkain nila kaya nag-walkout ang ibang grupo.

“Nakiusap ‘yung mga taga-Phisgoc na bumalik kami so we went back. Nalaman na lang namin na sa actual SEA Games, wala daw talaga food na provided. Ang initial reaction ko is nainis, okay na nga na walang compensation kasi we volunteered naman, pero pahihirapan pa nila kami maghanap ng food sa venue?” reklamo pa nito.

Ilan mga volunteer ang naglahad ng kani-kanilang palpak na karanasan sa social media platform Reddit.

“Pero nung naghahanap sila ng volunteers sinabi nila na may allowance daw as compensation… Nung orientation sabi nila may food daw, why would you want us to sign a contract na ‘yung content is kabaliktaran ng sinasabi niyo?” dagdag pa nito.

Wala pang pahayag ang Phisgoc sa isyu. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More