Una sa Balita

Mga sangkot sa 154B PhilHealth scam kasuhan ng economic sabotage

0 288

HINILING ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol sa Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong economic sabotage sa pamamagitan ng large-scale estafa ang lahat ng sangkot sa P154 bilyong PhilHealth scam.

Ayon kay Datol ang P154 bilyon ay maaa­ring “the tip of the iceberg because these scoundrels may have been doing their crimes for a long time.”

Binigyang-diin pa ng kongresista na econo­mic sabotage ang dapat na isampa at ang mga responsable sa ano­malya ay hindi dapat na makalaya.

“The massiveness, elaborate, and conspiratorial nature of their crimes constitute economic sabotage because they can seriously impair the proper delivery of health security service to all Filipinos,” ani Datol.

Umaasa ang mambabatas na hindi tatantanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghahabol sa mga manloloko.

Umapela rin si Datol sa DOJ na siguruhin maisasampa ang kasong criminal at civil laban sa mga sangkot sa ‘ghost dialysis’ upang hindi sila makatakas sa batas.

“I-assign na nila ang kanilang pinakamahuhusay na prose­cutors para matiyak na walang kawala ang mga kawatang iyan,” ayon pa kay Datol. (JC ­Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy