Una sa Balita

Mga same sex couple bigyan ng dagdag na karapatan — Angara

By
0 434

Bilang suporta sa lesbian, gay, bisexual, transgender o LGBT community, bukas si Senador Sonny Angara na suportahan ang panukalang batas na siyang higit na mapakikinabangan ng same-sex union sa bansa.

Tulad ng babae’t lalaki na magkasintahan, nais ni Angara na magkaroon ng patas o ‘di kaya’y dagdag na karapatan sa lipunan ang mga LGBT couple.

Aniya, ito na ang tamang panahon upang mabigyan di lamang ang LGBT community maging ang iba’t ibang indibiduwal ng pantay-pantay na karapatan sa lipunan.

“Panahon na po para bigyan ng karapatan ang mga same sex couple,” pahayag ni Angara sa kanyang social media account.

“I support same sex unions. Ngayon, ang same sex couples, walang inheritance rights. Dapat bigyan natin sila ng dagdag na karapatan,” dagdag ni Angara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy