Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga resto bar sa Iloilo kinandado

0 131

Pansamantalang isinara ang lahat ng mga resto bar sa Iloilo City kahapon.

Iniutos ni Mayor Jerry Treñas ang pagsasara hanggang sa katapusan ng buwan na ito kasunod ng mga ulat na maraming mga establisimiyento ang lumalabag sa pagbabawal ng alak sa ilalim ng general community quarantine.

Ang hakbang na ito ay bilang pagsunod sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, sabi ni Treñas.

SM food to go Banner Ad

Nauna nang kinilala ng alkalde na hindi lahat ng mga bar sa lungsod ay mababantayan ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Treñas na pinayagan man ng pamahalaang lungsod na mag-operate ang mga bar pero hindi pa sila dapat magbenta ng mga inuming nakalalasing.

Noong nakaraang linggo, isinara ng pamahalaang lungsod ang kabuuang 24 na establisimiyento, 20 sa mga ito ay mga resto bar na nahuli na naghahain ng mga alak habang ang apat na iba pa ay mga coffee shop, restawran at panaderya na walang mga permit upang mag-operate. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.