Una sa Balita

Mga residente sa Marawi makakabalik na

0 217

Pinayagan nang makabalik ang mga residente sa ground zero o pinakamalalang nawasak sa naganap na giyera sa Marawi noong 2017 sa kondis­yon na tutugon ito sa mga requirement na hihingin ng Task Force ­Bangon Marawi (TFBM) at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Housing Secretary at TFBM Chairman Eduardo del Rosario, maaari nang simulan ng mga residente sa Sectors 1, 2 at 3 sa loob ng ground zero o pinakaapektadong lugar, ang pagbuong muli at pagsasaayos sa mga nasira nilang tahanan basta kumuha lamang ng mga kinakaila­ngang permit.

Sa kabuuan mayroong 6,435 na istruktura ang nasira sa limang-buwang giyera sa pagitan ng mga militar at Dawlah Islamiya. Sa nasabing bilang, nasa 4,000 ang kinailangang gibain dahil hindi na ito ligtas na gamitin.

Ani Del Rosario nasa 80 porsiyento ng mga may-ari ng nasi­rang istruktura ang nabigyan na ng permit para sa demolisyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy