Una sa Balita

Mga residente ng Tagaytay ‘di kailangan ilikas — Phivolcs

0 342

BAGAMA’T nasa loob ng 14km danger zone, hindi na kailangang lumikas ang mga residente na nasa mga matataas na lugar sa loob ng Tagaytay City.

Ito ang paglilinaw ni Phivolcs Director Renato Solidum kung saan inihalimbawa nito ang Tagaytay Ridge na hindi na kaila­ngang i-evacuate ang mga residente dahil lubha nang mataas ang kanilang lugar na kahit magkaroon ng base surge ay hindi aabutin.

“Some areas inside the zone are elevated enough to be safe from the potential base surge, tsunami or pyroclastic current that Taal could spawn.
Example po, Tagaytay City, doon sa ridge, national road. Nasa loob iyon ng 14 kilometers, pero dahil mataas na po ang elevation noon, hindi sila aabutin ng base surge so dapat hindi iyon ini-evacuate,” paliwanag ni Solidum.

May 2 barangay naman sa Tagaytay ang kailangang ilikas dahil malapit
aa shoreline ng Lipa Batangas na patag ang lupa.

Sulfur dioxide ng Taal mas tumaas
Mula sa dating 1,686 tonelada kada araw ay natriple na sa 4,186 tonelada ang sulfur dioxide na inilalabas ng Bulkang Taal.

Ayon kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas, ang pagtaas ng sulfur ay indikasyon na may magma movement sa loob ng bulkan.

“Humihiwalay kasi ‘yung sulfur dioxide kapag nasa malapit na sa bunganga ng bulkan ‘yung umaakyat na magma. Kapag nasa malalim, naka-dissolve pa ‘yan sa magma, hindi pa ‘yan makahiwalay,” paliwanag ni Bornas.

No man’s land mahigpit na ipatutupad
Samantala, hindi na papayagan ng gobyerno na may manirahan pa sa paligid ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña na ideklarang ‘no man’s land’ ang isla.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magpapatupad ang gobyerno ng mas mahigpit na polisiya sa lugar para hindi na bumalik pa at malagay sa peligro ang buhay ng mamamayan.

Binigyang-diin ni Pa­nelo na dati namang no man’s island ang Taal pero naging maluwag ang mga lokal na opisyal kaya nakapanirahan ang mga tao sa paligid ng bulkan. (Tina Mendoza/Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More