Una sa Balita

Mga residente ng QC ginutom ni Joy

0 1,581

Nauwi sa gulo ang isinagawang kilos-protesta ng mga residente sa Quezon City na sinasabing nagugutom na, nang magmatigas ang mga ito sa pulisya na kusang mag-disperse.

Bago nagkagulo mag-aalas dose ng tanghali kanina ay nagkaisa at nagtipon-tipon ang mga residente ng Sitio San Roque, QC. Iprinotesta ng mga mga ito ang kabagalan umano ng ayuda ng local na pamahalaan kung saan 2-linggo na umano ang nakalilipas matapos ang lockdown ay wala pa rin silang natatanggap na donasyon.

Sumisigaw ang mga ito nang mabagal na pagtulong mula sa Quezon City Government sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte. Gutom na umano sila at walang makain.

Ang mga raliyista ay kinabibilangan ng mga grupong Kadamay, Anakbayan at Anakpawis na pawang mga residente ng Barangay Pag-asa ng nasabing lungsod.

Binigyan naman ng pulisya ng 10-minuto ang mga welgista para kusang mag-disperse subalit hindi sumunod ang mga ito kaya tinuluyan na silang arestuhin. Umaabot umano sa 20 katao ang inaresto dito.

Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, karapatan naman nilang magwelga subalit napilitan silang arestuhin dahil sa paglabag nila ng protocol sa enhance community quaratine law.

Bukod sa dikit-dikit sila ay wala din umano silang mga suot na face mask. (Edwin Balasa/Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More