Una sa Balita

Mga reporter halos mamalimos sa kanilang network

0 1,201

Ayaw talagang paawat ng bubwit na ito. May nasagap na naman siyang balita, diumano’y kaawa-awa ang kalagayan ng mga reporter sa kanilang mother network ngayong nasa gitna ang buong bansa sa krisis dulot ng COVID-19. Ang chicka ng bubwit, nag-release daw ng PR ang network na diumano’y magpapaabot ng tulong pinansiyal sa mga empleyado nito. Pero ang PR, naging press release lang talaga.

Ang reklamo ng mga reporter sa bubwit, hindi raw totoo ang PR ng kompanya. Ni hindi nga raw sila mabigyan ng financial aid. Ang nakakangitngit, puro positive feedbacks ang nakuha ng network sa netizens dahil sa PR. ‘Yun naman pala, peke! Aba teka, bawal fake news! Gaya ng utos ng DOLE, sakaling mag-self quarantine ang empleyado, ikakarga ito sa kanyang leave. Bagay na sinunod naman ng network. Pero ‘pag naubos na ang leave, sorry ka – no work, no pay na. Sabi pa ng bubwit, nag-alok naman daw ng 5 kiyaw ang network sa mga empleyado.

Pero it turned out, galing pala sa gobyerno. ‘Di ba may P5,000 financial aid ang DOLE sa mga worker. Nakakalungkot naman, aagawan pa nila ng ayuda ang mga SMEs. Hindi nga rin daw maibigay nang advance ang 13 month pay ng mga empleyado. Aba’y teka lang, hindi ba frontliner din ang media? Exposed na exposed din sila sa virus, golay! Napakadelikado rin ng trabaho. Pero si mother network daw eh waley, waley maasahan na tulong. Dagdag pa ng bubwit, di na raw talaga masikmura ng mga reporter ang pamamalakad ng mother network. Ang ilan sa kanila, idinaan na sa social media ang hinaing.

May isa raw nag-post, kusang loob na lang daw siyang magse-self quarantine dahil nakararanas siya ng head ache at sore throat. Kung opisina lang daw kasi nila ang masusunod, hangga’t maaari – tuloy pa rin ang trabaho.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More