Una sa Balita

Mga rebelde hinirit tumulong sa COVID crisis

0 476

Hinimok ng isang opisyal sa Northern Luzon na makisama o tumulong ang mga rebelde sa lumalamang problema sa Covid-19.

Pinakiusapan ni Northern Luzon Command (NolCom) officer Maj. Ericson Bulosan ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na makiisa sa kinakaharap ngayong problema ng bayan particular na sa Northern Luzon hinggil na rin sa patuloy na paglobo ng mga nagpositibo sa virus.

Panawagan ito ng opisyal kasunod na rin ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng unilateral ceasefire sa pagitan ng military at rebelde.

Ayon kay Bolusan, sundin sana ang mga rebeldeng grupo ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng unilateral ceasefire sa pagitan ng military at rebelde.

Imbes umanong patuloy sa kanilang pag-atake ang mga rebelde o CPP-NPA lalo na sa mga government troop ay maiging sundin na lamang ng mga ito ang utos ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More