Una sa Balita

Mga rapist ng Chiong sisters makakalaya sa RA 10592

0 853

POSIBLE makinabang si Francisco Juan ‘Paco’ Larrañaga at ang anim pang akusado sa pag-kidnap at panggagahasa sa magkapatid na sina Marijoy at Jacqueline Chiong, sa siyudad ng Cebu noong 1997 sa RA 10592 salig ang pinalawig na good conduct time allowance (GCTA).

Ito ang iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa isang pulong balitaan.

Kasalukuyang binubuno ni Larrañaga sa selda ng Spain ang sintensyang iginawad sa kanya sa pamamagitan ng Transfer of Sentence Agreement dahil sa dual citizenship nito.

“‘Yung pinag-uusapan ay kung saan mai-impri­son ‘yung person. So, in this case meron tayong agreement with Spain kaya doon siya pero ‘yung substantive law that will govern is still the Philippine law. So, in my opinion, he will still benefit because he was tried, prosecuted and sentenced under Phi­lippine laws,” ayon kay Guevarra.

“As long as they are eligible, they will benefit from what is written under the law,” dagdag ni Guevarra.

Hindi rin aniya importante kung ang isang preso ay high profile o hindi.
Kapag kuwalipikado ang isang bilanggo, sinabi ni Guevarra na mada­ling mai-compute ang kanilang GCTA. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy