Una sa Balita

Mga PUV driver bigyan ng tulong pinasiyal – Win

0 510

Nabigo umano banggitin ng gobyerno kung paano matutulungan ang mga driver ng public utlity vehicles (PUV) na labis na naapektuhan ng ipinautupad ng isang buwang enhance community quarantine dahil sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Win Gatchalin kaya wala aniyang pagpipilian ang mga PUV driver kundi ang ngumanga na lang matapos suspendihin ang lahat ng pampublikong transportation sa Metro Manila at buong Luzon .

Sa ilalim ng 2018 PUV modernization program report ng DOTr, ang isang jeepney driver, halimbawa, ay may take home na P14,685 kada buwan.

Bawat driver ay may pitong miyembro ng pamilya at nakadepende sa kanilang gastusin sa kita ng kada driver.

Sabi pa ng DOTr, 40% o 84,443 ng kabuuhang 209,124 jeepney driver sa bansa ay nasa Metro Manila.

Dahil dito, hinikayat ni Gatchalian ang DOTr na ipatupad na ang Pantawid Pasada Program (PPP) para matulungan ang mga drvier ng pampublikong sasakyan.

“Ngayong mayroong enhanced community quarantine, isa sa mga naapektuhan ay ang ating mga public utility vehicle drivers,” ani Gatchalian.

“Gaya ng karamihan dito sa bansa, sila rin ay masasabing namumuhay ng arawang kita. Kung may tigil pasada, ano na lamang ang ipapakain nila sa pamilya nila,” dagdag pa nito.

Ang PPP ay sinimulan noong 2018 para makatulong sa mga driver dahil sa epekto ng mas mataas na fuel excise tax dulot ng pinatupad na TRAIN law. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More