Una sa Balita

Mga puslit na luxury cars ibu-bulldozer sa Cagayan

By
0 1,894

Sa ikalawang pagkakataon ay muling ipapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang pagdurog sa mga luxury cars na ipinuslit papasok sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na hindi uubra sa kanya ang mga dating gawain at pandaraya sa buwis ng mga smuggler.

Seryoso aniya ito sa kampanya kontra katiwalian kaya ipapasagasa niya sa bulldozer ang mga nakumpiskang luxury cars sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa Miyerkoles.

“Dito sa CEZA puro bago. Yung hinahanap ninyong Aston Martin nandiyan yan. Magbili rin ako ng bagong bulldozer, P**** sasagasaan ko lahat yan. Wala ng import-import,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na hindi uubra sa bagong Customs chief na si Isidro Lapeña ang hokus-pokus ng mga sindikato dahil mabu-bulldozer lang ang mga ipupuslit na mga kontrabando.

“Either meron ka, maghanap ka sa buhay. You have the money on your own. Huwag mong dayain ang gobyerno. Yung mga hokus-pokus diyan, I assure you yung Customs General Lapeña mahusay, he’s very honest,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandang naunang ipinadurog ng Pangulo ang mga puslit na mamahaling sasakyan sa port area ng Cebu at Davao noong February 5 na nagkakahalaga ng P61.6 million.