Una sa Balita

Mga pulis sumabak din sa Brigada Eskwela

0 256

Bilang pakikiisa sa programa ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa “Brigada Eskwela 2019,” namahagi ng pintura at nagpintura na rin ang mga miyembro ng Treskillion-Law Enforcement Group (TRI-LEG), sa mga public schools sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area, kahapon.

Bandang alas 9:00 ng umaga, dala ang galon-galong pintura, brotsa,­ walis ting-ting at mga basahan, tinungo­ ng grupo ni P/ Major Amor Cerilo, head ng Station and Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Valenzuela Police Station, ang mga paaralan sa apat na lungsod.

Nagpintura, nagwalis, naglinis ng paligid ng paaralan ang mga pulis na naka-uniporme pa.

Ang TRI-LEG , saan si Major Cerilo­ ang over-all chairman sa Northern Metro area , ay binubuo ng PNP personnel na kasapi ng Tau Gamma Phi.

Ayon sa opisyal, sa halip na ma­ngasiwa lang ng peace and order sa lugar na pinagdadausan ng “Brigada Eskwela,” nais nila na makatulong sa paglilinis ng mga classroom at sa paligid ng paaralan.

“Goal na namin ‘yan ng mga Brod, every school year lahat ng mga members ng TRI-LEG sa CAMANAVA area ay sumama sa amin para tulungan ang mga teachers, parents at mga estud­yante,’ sabi ni Major Cerilo.

Nakiisa din si TRI-LEG Valenzuela Chapter Chairman P/ L. Col. Noel D. Ramirez sa “Brigada Eskwela,’ saan tumulong sa paglilinis ng mga paaralan ang kanyang grupo.

Ayon kay Ramirez, dapat ma-in evolved ang mga pulis sa mga ganitong gawain upang makahikayat sa ibang grupo na gawin ang pagha­handa sa nalalapit na pasukan sa June 03, 2019. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy