Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga pulis sa Caloocan tinuruan ng urban gardening

0 56

Bukod sa paghawak ng baril, tinuruan din ang mga miyembro ng Caloocan City Police ng pagtatanim na maaari umanong makatulong sa kabuhayan ng mga pulis sa hinaharap.

Ayon kay outgoing Mayor Oca Malapitan, napapanahon ang urban gardening sa gitna ng mga ulat na posibleng dumanas ng krisis sa pagkain ang buong daigdig dahil sa mga giyera sa ibang bansa at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na nakakaapek­to sa produksiyon ng pagkain.

Sa isinagawang seminar kahapon sa Caloocan Police Station, tinuruan ang mga pulis na maging ‘future plantitos’ ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas. Bukod sa pagkain ng kanilang pamilya, posible rin aniya itong pang-negosyo ng mga pulis.
Noong 2020, lumagda si Malapitan sa isang memorandum of agreement kasama ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Seed Industry Associate (PSIS) upang maging bahagi ng urban agriculture program ang Caloocan.

Ani Malapitan, bukod sa trabahong pulis, dapat ding matuto ang mga law enforcer ng pagtatanim para sa kanilang pangangailangan sa pagkain. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.