Una sa Balita

Mga pulis na acquitted ‘di agad makababalik sa serbisyo

0 263

Hindi awtomatikong makakabalik sa serbisyo ang mahigit sa 30 pulis na napawalang-sala sa kasong multiple murder sa kakatapos na promulgasyon ng 2009 Maguindanao massacre, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Ayon kay Police Brig. General Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, hindi umano ibig sabihin na napawalang-sala na ang 32 pulis sa kaso ng Maguindanao massacre ay awtomatiko na silang makakabalik sa serbisyo.

“Their dismissal from the PNP stemmed from preponderance of evidence which is entirely diffe­rent from criminal case procee­dings which require quantum of evidence,” saad pa ni Banac.

Sa ngayon dagdag pa ng opisyal na sa kasalukuyang pinag-aaralan ng pamunuan ng PNP ang status at ang individual case folder ng mga pulis na naabsuwelto bago sila gumawa ng rekomendasyon sakaling mayroong mga gustong bumalik sa kanila sa serbisyo.

Samantala, ayon naman sa Department of the Interior of Local Government (DILG), magsasagawa sila ng evaluation sa mga pulis na na-aquit sa Maguinda­nao massacre.

“We will evaluate them if they are still physically fit to perform and return to the police service including medical and pneuro exams,” pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año matapos hingan ng komento hinggil sa magiging kapalaran ng mahigit sa 30 pulis na naabswelto sa nasabing kaso.

Hindi rin makakakuha ng 10 back pay ang mga nabanggit na mga pulis dahil sa polisiyang “no work, no pay” ng gobyerno. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More