Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga pulis ipoposte sa mall

0 214

Inatasan kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsagawa ng mga police visibility sa mga matataong lugar partikular sa mga mall ngayong nalalapit na ang holiday season.

Ang pahayag ni Eleazar ay matapos na ianunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na simula sa Nobyembre 15 ay palalawigin na ang pagbubukas ng mga malls sa Metro Manila mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

“While NCRPO personnel are also enforcing minimum public health standards, they will be more focused on crime prevention especially in areas where people flock, particularly in malls which are set to extend operating hours,” pahayag ni Eleazar sa inilabas niyang statement kahapon.

Inaasahan na kasi na dadagsa ang mga tao sa kalsada matapos tanggalin ang curfew at ibaba na sa alert level 2 ang National Capital Region.

Nitong nakaraang weekend ay dinagsa ng tao ang mga mall, simbahan at mga pasyalan sa Metro Manila kabilang ang mga bata at matatanda matapos na tanggalin na ang restriction. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.