Una sa Balita

Mga pulis huhugutin na sa danger zone

0 360

SIMULA ngayong araw ay inaasahan na aalis na ang mga pulis na nakabantay sa 14 kilometer danger zone ng nag-aalburotong Bulkang Taal ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Bernard Banac.

Ayon kay Banac na binigyan na ng 48 oras ang PNP-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na magsagawa ng huling paggalugad sa mga lugar na sakop ng 14 kilometer danger zone upang masiguro na wala ng natitirang tao.

“We have already done our best humane efforts to keep the evacuees from returning to their homes. Thus, starting tomorrow, all deployed PNP personnel will move out from 14km Permanent Danger Zone and relocate to risk control points beyond the circumferential line or outer­most perimeter for safety, away from the permanent danger zone,” pahayag ni Banac sa isang press conference kahapon sa Camp Crame.

Dagdag pa ng opisyal na ang pullout ay base sa guidance na ibinigay sa kanila ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) hinggil sa lumalalang situwasyon ng Bulkang Taal.

“Ang desisyon ng pagpull-out ng mga tao natin ay base na rin sa advisory ng NDRRMC at ng ating awtoridad na ang situation within the permanent danger zone ay patuloy na nagkakaroon ng deterioration,” saad ni Banac.

Mayroong 13,000 pulis ang nagpapalitan sa mga apektadong lugar sa pagputok ng Bulkang Taal, siniguro naman ni Banac ang patuloy na pagpapakalat ng pulis sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

“Local PNP units continue to monitor reports that many evacuees still ignore the risks and try to go home to salvage their belongings such as TV sets, clothes, pictures, personal documents,” pahayag ni Banac.

Hinimok na rin nito ang mga nabatid na residente na matitigas ang ulo na nagbabalikan sa kanilang bahay na lumikas. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More