Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga pulis ‘back to basic’ sa bagong liderato- Gen de Leon

0 148

Pagpapatrolya, pag-iimbestiga agarang pagresponde at tunay na pagseserbisyo sa taumbayan ang magiging pokus ng bawat pulis sa mga darating na araw.

Ayon sa bagong talagang PNP Director for Operations chief na si PBGen Valeriano de Leon, ‘back to basic’ muna ang lahat ng mga tauhan natin kasi tila nawawala na sa kanilang pang-araw-araw na gawain ang mga ito.

“Napapansin kasi natin na puro public relations o PR na lang ang ginagawa ng ilang mga tauhan natin sa halip na gawin ang mandato nila na ‘To protect and to serve,'” ani de Leon.

Dagdag pa ng heneral, ” Hindi mo na man kasi mababago ang imahe ng PNP sa puro press release o panay ang interbyu sa radyo at labas sa telebisyon. Ang mahalaga kasi sa mga tao ay ginagawa namin ang aming tungkulin.”

Paliwanag pa ni de Leon,” pag nakita o naramdaman ng mga tao na safe sila at nariyan ang kanang pulis na kapag kailangan nila, manunumbalik muli ang tiwala nila sa amin.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.