Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga public school, center hinilamusan

0 364

Araw-araw ang pagsasagawa ng disinfection ng City Health Office sa mga public schools , opisina ng gobyerno at mga health centers sa Malabon City.

Ayon kay Mayor Lenlen Oreta, bahagi ito ng preparasyon sa nalalapit na pagbabalik eskwela kahit pa modular lang at walang estudyanteng magpupunta sa mga paaralan.

“Yung mga teacher obligadong pumunta sa schools kaya dapat masiguro na hindi na kakalat ang virus kapag nagsimula na ang eskwela,” sabi ni Mayor Oreta.

Dagdag pa ng alkalde, isa din ito sa mga paraan upang masiguro na hindi kakalat ang Coronavirus 2019 (COVID-19), saan pati na ang mga opisina ng gobyerno at mga health center ay dini-disfect.

Nasa 27 ang bilang ng mga elementary public schools at siyam (9) naman public high school sa buong Malabon City at sinisiguro ng Pamahalaang Lungosd na maayos ang gagawing pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.