Una sa Balita

Mga produktong canned good, gamot umayaw kay John Lloyd

Nalaspag ang itsura

By
0 3,233

Magkakaiba ang mga opinyon sa nangyayari sa isa sa itinuturing na pinakasikat at pinakamahusay na ­aktor sa kanyang henerasyon na si John Lloyd Cruz. Nagsimula lang ito nang maging sila ng sexy star na si Ellen Adarna at ang maging drama ng actor ay parang dedma na sa lahat na may kinalaman sa kanyang pagiging isang artista.

Kung merong nanghihinayang kay John Lloyd bilang isang actor sa desisyon nitong mawala muna sa showbiz since naka-indefinite leave siya sa home network na ABS-CBN, may ilan naman na kinikilig sa romance nina John Lloyd at Ellen at nagpapahayag ng suporta.

Not until Ellen’s encounter with a minor at ngayon nga, nag-file ng legal complaints ang nanay against Ellen. Na parang ipinapakita naman ng huli na cool lang siya at dedma sa complaint na ‘yun kung pagbabasehan ang mga posting nito. Latest post pa niya ay mukhang bakasyon na naman sila ni Lloydie sa Amanpulo.

Negative rin, lalo na sa ilang taga-showbiz ang pagtalikod ni John Lloyd at hindi pagpayag na magpa-interview sa reporter ng ABS-CBN na si Mario Dumaual. Dito na pumasok ang mga litanya mula sa iba’t ibang showbiz insider na baka nakalimutan na ni Lloydie na isa siyang Kapamilya. Na ABS-CBN ang gumawa sa kung ano ang meron siya ngayon. May nagsabi pa na kesyo wala itong utang na loob sa network.

Sa puntong ‘yun, tila nauunawaan naman namin ang actor. At may karapatan itong mag-beg-off sa interview dahil talaga namang dedma siya sa showbiz ngayon. Wala siyang anumang project na tinatanggap at naka-indefinite leave nga siya sa home network.

‘Yun lang, dahil aktibo silang dalawa ni ­Ellen sa social media sa pamamagitan ng Ins­tagram accounts nila, sabihin man na personal accounts nila ‘yun, parang wala ang consistency na ayaw nilang ma-expose o mabalita for the time-being. Kumbaga, selective lang. Tipong ang gusto nilang mangyari, kung ano lang ang ipo-post namin, ‘yun lang ang gusto naming lumabas. Mas maganda pa sigurong manahimik rin muna sila sa socmed the same way na ayaw nilang makausap o mabalita.

Sa pagkakakilala namin sa personalidad ni John Lloyd, naniniwala kaming ang ilan sa mga ine-enjoy niya ngayon sa likod ng camera ang ilan sa mga gusto niyang gawin talaga. ‘Yun nga lang, mula sa pagiging isa sa mabentang celebrity endorser, parang given na unti-unti nang kumakalas sa kanya ang ilang brands at advertisers.

May isang canned good last year na siya sana ang orihinal na choice, nag-back-out dahil sa paglabas ng isyu sa kanila ni Ellen, nauwi ito sa isang Kapamilya actor rin. Balita rin ngayon na ang matagal na niyang ineendorsong gamot ay wala na rin sa actor. Hindi na kami magtataka kung may iba pa. Bukod sa kawalan ng visibility, number one sa mga advertise­r ang pagme-maintain ng wholesome image.

Kami lang naman ito, tingin namin, isang araw ay babalik pa rin ang actor sa showbiz at ire-resume ang showbiz career. When that day comes, huwag sanang panghinayangan ni John Lloyd ang maraming oportunidad na nawala… lalo na kung masaya naman siyang talaga sa pinagsasaluhan nila ni Ellen.

At sana sa pagbabalik niya, ayusin din niya ang itsura niya, na ibalik niya ang artista look, na fresh na fresh noon. Marami ang nagsasabi na sobrang haggard ni John Lloyd ngayon, at nawala na ang artista aura niya.