Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga private school atras sa tuition hike

0 302

Matapos umapela ang Department of Education (DepEd), ilang private school ang nagdesisyon na huwag nang magtaas ng tuition fee sa pagbabalik eskuwela sa Agosto.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) batid ng mga miyembro nila ang “financial difficulties” ng maraming pamilya dahil sa coronavirus disease pandemic.

Kaya marami anila sa kanilang miyembro ang nagbawas ng fees o kaya naman ay umatras muna sa tuition hike.

Siniguro naman ni Federation of Associations of Private Schools Administrators president Eleazardo Kasilag na walang tuition hike na magaganap ngayong school year.

Sa kabila nito, marami raw miyembro nila ang nangangamba na bumaba ang enrollment kaya ilan sa mga ito ang kinokonsiderang magsara muna hangga’t hindi bumabalik ang face-to-face classes. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.