Una sa Balita

MGA PRESO SAPUL NG HIV

By
0 131

Inaasahan na ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na marami pang inmates sa mga piitan sa bansa ang madidiskubreng positibo sa ­Human Immuno Deficiency ­Virus (HIV) kasunod ng isinasagawang serye ng ­libreng check-ups sa 20 ­milyong ­pinakamahihirap na ­Filipino sa bansa.

Ayon kay Ubial ikinukunsidera nila ang mga preso na kabilang sa 20 milyon pinakamahihirap na Filipino na kinakaila­ngan ng libreng medical na atensiyon.

Umaasa rin si Ubial na matutukoy nila ang kabuuang bilang ng mga inmates na postibo ng HIV bago matapos ang taon.

“The HIV positive ­inmates in QC are just part of it. We’ll see a more complete pictures by the end of the month”, ayon kay Ubial.

Nabatid na una nang nagpamahagi ng mga condoms sa mga inmates ng Quezon City Jail matapos madiskubre na may mga inmates na positibo sa HIV.

Sanhi ng kawalan ng babae sa kulungan uso ang ‘male having sex with male (MSM) na nagiging daan para dapuan ng HIV ang mga preso.

Sa pinakahuling ­data ng DOH mula noong ­Enero, 1984 hanggang Disyembre, 2016 ­tumaas ng 82% o kabuuang 30,238 kaso ng HIV na trace na galing sa MSM.

Mula sa mga ­naturang taon, naobserbahan na patuloy umanong tuma­taas ang kaso ng HIV na galing sa MSM.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More