Una sa Balita

Mga presinto sa Pasay pinaliguan ni Eleazar

0 420

Magkakasamang nag-disinfect sa buong tanggapan ng Pasay City Police ang grupo ni Task Force Covid-19 shield commander Police Lt. General Guillermo Eleazar.

Kasama ang ISRAT, Healium at ASDS mga private companies na tumugon sa pangangailangan ng PNP frontliners.

Sinabi ng mga ito na gusto din nilang iparamdam sa mga kapulisan na kasangga nila ang Savepoint mula sa private sector.

Dahil dito ay boluntaryo silang nag-disinfect sa mga presinto at kailangan anilang alagaan ang mga nagbabantay laban sa Covid-19.

“Kapag nagkasakit ang mga nasa frontline natin, mahihirapan tayong labanan ang Covid-19” ani ni Eleazar. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More