Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga politiko bawal sumawsaw sa ayuda – DSWD

0 162

Hindi isasama ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) sa pamamahagi nito ng relief goods at assistance sa mga komunidad ang mga politiko.

Ito ang sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo upang maiwasan nang magamit ang relief program ng ahensiya sa political interes ng mga politiko.

Sinabi ni Tulfo na ang pondo ay ipahahawak pa rin sa mga mayor subalit ang DSWD na ang mag-e-evaluate.

“Hawakan nila (mayor¬) ang pondo pero tao namin ang mag-dispose, tao namin ang mag-interview at tao namin ang magbibigay ng budget. Sa inyo lang ang pera. Parang ganoon po. Pag-aaralan pa po namin ‘yan maigi,” paliwanag ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na ang bagong sistema ay kanyang ihahayag sa oras na makumpleto na ito, ang kanilang target ay
mapabilis ang pagtanggap ng tulong ng publiko nang hindi na dadaan pa sa alkalde at direkta na sa social worker.

Tiniyak ni Tulfo na mas magiging mabilis ngayon ang assistance sa mga biktima ng kalamidad. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.