Una sa Balita

Mga POGO paduguin sa tax

0 309

ISINUSULONG ngayon ni Senate President Pro-Tempore Ralph G. Recto ang isang panukala na naglalayong patawan ng 30 porsiyentong income tax at limang porsiyentong franchise tax ang offshore online gaming operations o POGO sa bansa.

Sa Senate Bill No. 1295, layunin nito na magkaroon ng tax regime para sa POGO na binibigyan ng lisensiya at inootorisa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magbigay ng online gambling service sa mga player sa labas ng bansa.

Sakop ng panukala ang mga POGO company sa bansa, local gaming agent at POGO service provider.

Bagaman lumalago ang online gaming industry sa bansa, sabi ni Recto, nagkaroon umano ng pagkalito sa pagpapatupad ng batas sa nature ng negosyong ito.

Sa ilalim ng Pagcor rules and regulations sa operasyon ng POGO, ang mga lisensiya ay Filipino-based o fo­reign-based operator.
“Both Philippine-based and foreign-based POGO operators are taxable on their income from gaming operations and other related services,” sabi ni Recto.

“Establishing the tax regime of POGOs and incorporating the same in the National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, as amended, is necessary to remove any doubt and avoid the confusion as to whether or not POGOs are taxable in our jurisdiction,” paliwanag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga licensed Philippine-based POGO, local gaming at service provider ay papatawan ng 30 percent income tax.

Ang mga foreign-based POGO ay papatawan ng 30 percent income tax base sa kanilang gross income.

Bukod dito, ipinanukala rin ni Recto na patawan ng limang porsiyentong franchise tax ang lahat ng gross receipt mula sa gaming operation ng mga Phi­lippine at foreign-based POGO operator. (Dindo Ma­tining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More