Una sa Balita

Mga player ng GenSan babasagin ang mukha ni Gab

0 405

Sa tagal na naming­ nagku-kober at nag-o-observe sa mga basketball leagues, sa MPBL lang ulti kami naka-witness ng mga “very old and traditional manner of officiating and playing.”

Sa two games na ipinapanalo ng Bacoor City Strikers kontra GenSan Warriors (listed as being owned by Sen. Pacquiao’s brother Bobby) sa mga venues sa Davao City at GenSan nu’ng nakaraang weekend, noon lang ako ulit naka-witness ng sobrang intense at passionate na players na kahit halata nang nakakasakit na ay sige pa rin nang sige.

Ibang klase ang GenSan players na sa simula pa lang ay tinambakan na ng Bacoor Strikers. Homecourt nga naman sila at never pa daw silang natalo dun lalo pa’t nasa playoffs na. Pero sadyang bukod sa mas prepared ang Strikers,­ sila itong mukhang kinampihan ng langit.

Mabuti na lamang at agad na tinambakan ng Strikers ang GenSan kaya’t kahit “Pilita corrales” (read: pilit na pilit) ang drama ng mga officia­ting referees na pahabulin ang GenSan, wala pa rin silang nagawa.

Ay marami pala silang nagawa.’ Yun ay ang saktan ang mga Bacoor player. Naroon ang sindakin, pagbantaan sa loob ng court at literal na (at closed fist) sipain, tuhuran, suntukin, ang leading MVP contender na si Gab Banal ay pumutok ang kilay. Nag-request itong ilabas siya sa last three minutes ng laro dahil pinayuhan ito ng teammate niyang si Rocky Acidre matapos nitong maunawaan ang usapan ng ilang GenSan players na babasagin umano ng mga ito ang mukha ni Banal.

Meron pang ibang players na sinadyang saktan na kung susumahin ay lampas na sa “normal” na tirahan at sakitan sa pisikal na laro. Pero ang pinaka-matindi ay ‘yung pagkadurog ng ilong ni King Destacamento. Nakilala kong mabait at halos hindi nagsasalita si King at never din itong nakilalang pisikal maglaro, pero siya itong nabiktima nang todo.

Nang isugod pa ito sa Elizabeth Hospital kasama ang medics ng MPBL (na pinayuhan pa naming gumawa ng pormal na report sa insidente), medyo matagal pa bago ito nakuhanan ng x-ray.

At nang basahin ng attending doctor ang resulta, sinabi nitong out of danger at walang fracture ang player.

It was not until Sunday on our way back to Manila when he complained of pain (despite the pain reliever meds na binigay) kaya’t isinugod agad siya sa Asian Hospital sa Manila, to find out na tila mali ang reading nu’ng doctor sa GenSan.

Sa mga ginawang tests gaya ng CT Scan, x-ray at iba pa, lumabas ngang nagka-fracture sa ilong ni King. Sa tindi ng emosyon ng Bacoor Strikers team owner na si Madam Chaye Cabal-Revilla na kung ituring ang mga players nila ay kanyang mga anak, hayun, plano nitong magsampa ng kasong legal.

Sinulatan na din ni team manager Dennis Abella si Commissioner Kenneth Duremdes dahil sa dami ng mga video footage na magpapatunay ng naging kagaspangan ng team ni Pacquiao, at sa ilang obvious na “tawag” ng mga referees pabor sa GenSan, mukhang mara­ming dapat na ipaliwanag at bigyan ng karampatang sanction ang ilang players ng GenSan.

Mabuti na lamang talaga na tinambakan ng Strikers ang GenSan Warriors.

Sa mga nakapanood at sa mga lumabas na videos­ ng last two minutes,­ makikitang nagpipilit ang mga referee na pahabulin ang Warriors na nauwi nga sa mas malalang mga bakbakan.

Ang tsika pa, meron umanong mga taga-GenSan na nagbanta din sa mga “dayuhan” ding referees kaya’t parang natakot ang mga ito. Nasa lugar ka nga naman ni Pacquiao at team pa nito ang naglalaro kaya’t may “added pressure” sa kanila ang officiating.

Hindi naman natatapos sa pagkakapasok ng Bacoor Strikers sa quarterfinals (maglalaro ulit kontra Davao team) ang isyu dahil sa mga naging pangyayari na na-witness namin, nalalagay sa kahihiyan at pagkuwestiyon ang kredibilidad at integridad ng buong liga at mismong ni Senator Manny Pacquiao.

As we write this, hindi pa kami sinasagot ni Papa Kume Kenneth Duremdes para sa kanilang panig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy