Una sa Balita

Mga pinto ng ABS-CBN bukas pa rin kay John Lloyd

By
0 1,335

Agad-agad na itinanggi ng ABS-CBN 2 sa pangunguna ni Kane Errol Choa, ang head ng Integrated Corporate Communications, ang lumabas na kuwento na diumano ay lumapit sa kanila ang aktor na si John Lloyd Cruz, at nagsabi na gusto na nitong magbalik-showbiz, pero tinanggihan nila.

Anyway, heto ang press statement ng Kapamilya network:

“There is no truth to reports that John Lloyd Cruz approached ABS-CBN to request that he return to work, and that the network turned him down. John Lloyd is still on an indefinite leave to attend to personal matters.

“ABS-CBN values its strong relationship with John Lloyd built through the years. ABS-CBN’s doors are always open to John Lloyd, and he will always be a Kapamilya.”

Oh, ayan, malinaw na bukas ang pinto ng ABS-CBN para kay John Lloyd, na kung gugustuhin ng dyowa ni Ellen Adarna ay malaya siyang makakabalik sa pag-aartista. (Dondon Sermino)

———–

Rhian bulag sa pag-ibig kay Jason

Suwerte rin ni Jason Abalos, dahil nakahanap siya agad ng ka-loveteam sa GMA 7, sa katauhan ni Rhian Ramos. Matapos ang kanilang hit team up bilang Zoe at Gael sa The One That Got Away, balik-tambalan sila Dear Uge ngayong Linggo, Hulyo 1.

Gagampanan ni Rhian ang karakter ni Faith, isang bulag at magandang dilag. Bumalik siya sa Pilipinas mula sa Amerika para sa isang eye examination. Hindi niya inakala na sa kanyang pagbabalik ay magkukrus ang landas nila ng kanyang kababata na si Danilo (Jason).

At dahil matagal nang silang dalawa ay huling nagkita at nagkasama, hindi naging maganda ang kanilang pagkikita at reunion.

Pero hindi sumuko si Danilo at gumawa siya ng paraan na muling makuha ang loob ni Faith. Magkasundo kayang muli ang dating magkaibigan?

Makakasama rin sa episode na pinamagatang ‘Love is Blind’ sina Yayo Aguila at Vangie Labalan. (Dondon Sermino)

———–

Bida sa Kambal, Karibal magpapasiklab sa I-Bilib

Ngayong Linggo sa I-Bilib, ang tele­serye lass na si Pauline Mendoza ng ‘Kambal, Karibal’ ang tutulong kay Chris Tiu, pati na kina James and Roadfill, na diskubrehin kung ano ang Oobleck stream, at magdu-drawing using science!

Sa ‘Bilibabols’ susubukan nina James and Roadfill ang macho challenge to break free from cable ties and from an airless trash bag.

Learn fascinating facts about your belly button and semi-conductors in ‘Curious’.

And finally sa ‘Huling Hirit’ susubukan ni Chris ang talino ng mga kasamahan niya gamit ang Eureka Puzzle! Tutukan lahat ‘yan ngayong Sunday morning sa GMA! (Dondon Sermino)