Una sa Balita

Mga Pinoy TFC subscriber natatakot sa mangyayari sa Kapamilya network

0 436

Alam mo, Dondon, while in Paris, France, ang madalas na itanong sa akin ng mga kababayan natin ay kung ano na ang mangyayari sa ABS-CBN kapag hindi na-approve sa Kongreso ang franchise renewal nila.

Pati noong mag-shoot ako kamakailan ng Anything Goes online show ko sa Barcelona, Spain, ganoon din ang katanungan ng mga kababayan natin doon.
At ngayong nasa Los Angeles, California ako, ‘yun pa rin ang palaging tanong sa akin.

Mga subscriber ng TFC (The Filipino Channel) ang madalas na magtanong sa akin.

May friend din ako from London, England na worried kung sakaling mawawala ang Kapamilya network, paano na raw ang magiging content ng TFC?
‘Yung taga-UK na friend ko, one year advance subscription pa naman daw ang naibayad na sa kanyang TFC account.

Around the world nga, topic ng mga Pinoy ang issue sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Marami ang nananalangin na sana ay hindi naman mawala talaga ang Dos sa March 30, 2020 lalo na at dumarami ang mga humihiling na i-renew pa rin ng Kongreso ang franchise ng Dos!

Sabi nga, Abangan ang susunod na kabanata, like the title ng kanilang comedy satire show noong araw…

Lovi nag-birthday sa LA
kasama ang dyowang afam

Tama ang kutob ko na aalis pa-Los Angeles, California si Lovi Poe para i-celebrate ang birthday niya noong Tuesday with her boyfriend, ang British na si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer.

Nasa Beverly Hills nga ngayon si Lovi. Noong Tuesday (Wednesday na sa atin), magkasama ngang nag-dinner ang mag-sweethearts.

Nag-post din si Monty sa kanyang Instagram (@montyblencowe) ng picture nila ng girlfriend at binati si Lovi ng happy birthday.

Nag-comment ako ng, “Wow sweet… Happy Birthday” na ni-like naman ng boyfriend ni Lovi.

Actually, alam mo, Dondon, nang magpa-invite si Leo Dominguez (manager of Lovi) ng entertainment press para sa pa-surprise advance birthday dinner niya para sa dalaga noong February 4, may kutob na talaga ako na kaya advance nga ‘yon ay dahil aalis si Lovi to meet up with Monty.

Actually, natutuwa nga ako na very open na si Lovi sa relasyon nila ni Monty.

Obvious na very comfor­table si Lovi talking about Monty.
Saka kahit naman sa kanyang social media accounts, pino-post niya ang mga ganap nila ng boyfriend.

Mukhang sobrang in love nga si Lovi, huh! Ang maganda lang sa da­laga, kahit long distance affair ‘yon, mukhang kaya nila ni Monty!

Anyway, feeling ko ay hindi naman masyadong magtatagal sa LA si Lovi (na imi-message ko para kung sakaling puwede siyang makipag-meet up sa akin) dahil kailangan pa niyang mag-promote ng “Hindi Tayo Pwede” ng Viva Films kung saan leading men niya sina Marco Gumabao at Tony Labrusca dahil sa March 4 na ang showing noon.

Hilda Koronel pararangalan sa Amerika

This year ang 50th showbiz anniversary ng prime actress na si Hilda Koronel.

California-based na si Hilda at very visible siya sa Filipino community doon.

May ilang Filipino events doon na si Hilda pa ang naging special guest like sa A Beautiful Life ng beauty guru na si Monet Lu.

Nang makakuwentuhan ko ang Hollywood Filipino reporter na si Oliver Carnay, nabanggit niya na may pinaplano raw na big event si Monet para sa 50th showbiz anniversary nga raw ni Hilda.

Magkakaroon daw ng film showing ng isang memorable movie ng aktres at pararangalan ito ng mga Pinoy sa LA.

Exciting ‘yon dahil kinikilala si Hilda hanggang ngayon bilang isa sa best actresses ng Philippine movie industry!
Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More