Una sa Balita

Mga Pinoy sa US nabitin kay Iñigo

0 68

abante-anything-goes-jun-lalinAkala ko, Dondon, kaya nagpunta ng Los Angeles, California si Iñigo Pascual ay para maglakwatsa after ng “ASAP Natin ‘To in Bay Area” (ginanap sa SAP Center sa San Jose).

Nakita kasi siya ng friend ko kasama si KZ Tandingan. Pero may show rin pala sa Anaheim si Iñigo.

Ilang friends ko nga ang nanood ng nasabing show kung saan ay guest si Iñigo ng Tribal Theory band sa House of Blues Anaheim.

Bale seven songs daw ang kinanta ni Iñigo at bitin nga raw, kaya ang request ng mga nanood ay bumalik sana ang anak ni Piolo Pascual at siya na mismo ang mag-show at hindi ‘yung guest lang siya.

Tinanong ko nga pala ang friends ko kung kasama ba ni Iñigo ang kanyang tatay, pero hindi raw at nakabalik na ng Philippines dahil nag-shooting na sa pelikulang idinederehe ni Alessandra de Rossi, huh!

Ang kasama ni Iñigo ay ang nanay niyang si Donnabelle Lazaro.

Puring-puri si Iñigo ng mga Pinoy na nagpunta sa show dahil very accommodating daw ang binata sa mga nagpa-picture kasama siya after the show.

By the time na binabasa n’yo ito, nasa Hawaii na si Iñigo dahil kuwento ng nanay niya sa friends ko, may radio guesting doon ang anak.Sa Hawaii na manggagaling si Iñigo bago umuwi ng Philippines.

‘Anything Goes’ maraming pasabog

Dahil anniversary month na ng “Anything Goes” online show ko sa Abante News Online Facebook page, nga-yong umaga, pakiabangan po ang coverage ko ng “Two-gether Again” US concert tour kick-off ng ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Kukunan ko ‘yon sa The Palace Theater sa downtown LA. Siyempre, tsitsikahin ko rin sina Martin at Pops.

Of course, start pa lang ‘yan ng anniversary month ng “Anything Goes” online show ko dahil marami pa akong exclusive na kukunan para sa mga viewer ng Abante News Online.

Siyempre, don’t forget to like and share, hindi lang ang “Anything Goes” videos kundi pati na rin ang lahat ng videos na nasa Facebook page ng Abante News Online!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy