Una sa Balita

Mga Pinoy sa UK saksi sa Royal wedding

By
0 2,667

LONDON — Hindi nagpahuli ang mga kababayan nating Filipino sa pakikiisa sa Royal wedding na naganap kahapon dito sa Inglatera.

Mula pa sa Ireland, Wales, Manchester, Liverpool at iba pang panig ng United Kingdom ay nakipagsiksikan ang ating mga kababayan sa mga punuang tren at iba pang transportasyon para makarating St. George’s Chapel sa Royal Windsor kung saan gaganapin ang kasalang Prince Harry at Meghan Markle.

Sinabi ni Ka Ernesto Balinbin mula pa sa East London, at maglilimang dekada na dito sa UK kasama ang pamilya, na sinusundan niya noon pa ang Royal Family.

Ayon kay Erning, “‘Pag sinabi mo kasing Roya­l Family ay kinakatawan nito ang makasaysayang Inglatera.”

Naengganyo rin daw siyang magtungo sa Windsor dahil sa maaraw at napakagandang panahon sa araw na ito.

Sinabi naman ni Ronnel Jara, isa pa na­ting kababayan na nagmula pa sa Liverpool na noong Lunes pa lamang ay lumuwas na sila patungong Windsor para siguradong makakakuha sila ng magandang puwesto para masilayan man lang ang carriage procession ng Royal Couple.

Ayon kay Ronnel, sulit ang pagod at mahabang biyahe dahil makakasama sila sa kasal ng itinutu­ring na pinakasikat at pinakakilalang Monarkiya o Royal Family sa buong mundo. Para naman kay Aling Marinette Cristobal, hindi maituturing na Royalista subalit naengganyo lamang siya ng mga kaibigan na gumala, tutal Sabado naman at maganda ang panahon. Da­lawang malalaking event ang naganap kahapon dito sa United Kingdom.

Una ay ang Royal wedding nina Prince Harry kahapon nang umaga at sa hapon naman ay ang FA Cup Finals ng dalawang English Premier League Football guants Manchester Unite­d l­aban sa Chelsea.