Una sa Balita

Mga Pinoy sa Libya, pinalilikas na

By
0 640

Pinalilikas na ang mga Pinoy na naninirahan sa Libya makaraang itaas sa alert level 3 dulot nang patuloy na kaguluhan doon.

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino community sa Libya na maghanda sa posibleng paglilikas dulot nang lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, hinikayat ang mga Pinoy doon para sa voluntary repatriation matapos magdeklara ng Alert Level 3 ang Libya dahil sa sunod-sunod na karahasan at banta sa kaligtasan ng nasa 3,500 Pinoy sa nasabing bansa.

Sa ilalim ng Alert Level 3, hinihikayat ang lahat ng mga Filipino sa Libya upang simulan ang paghahanda para sa mga paglikas.

Gayundin ang lahat ng mga may valid employment contract na kasalukuyang nasa bakasyon sa Pilipinas ay hindi papayagang bumalik.

Ang DFA ay maglalagay ng standby rapid response team upang tulungan ang Philippine Embassy sa Tripoli sa pag­likas ng nasa 1,800 Pinoy na nasa kabisera dahil mahigit isang linggo na ang labanan doon.

Nabatid, Lunes pa nagbigay ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Filipino Community na manatili sa kanilang tirahan at gawin ang iba­yong pag-iingat bunsod ng kaguluhan sa nasabing bansa.