Una sa Balita

Mga Pinoy sa Lebanon pinag-iingat

0 356

DAHIL sa mga nagaganap na kilos protesta, inalarma kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga Pinoy doon na mag-ii­ngat at huwag lumabas ng kanilang tinitirhan.

“Sa mga kababa­yang Filipino sa Lebanon, mag-ingat po tayo sa ating mga lakarin at gawain,” ayon sa pinost Philippine Embassy sa kanilang official Facebook account.

“Para sa ating kaligtasan at mabuting kapakanan, umiwas sa mga lugar na maraming tao, may kilos protesta, pagsusunog ng gulong at katulad na gawa. Kung walang importanteng dahilan, mas mabuting manatili sa bahay,” ayon pa sa embahada.

Sa mga nangangaila­ngan ng emergency assistance sa Lebanon, maaari aniyang tumawag sa numerong ito: 03859430.

Tinatayang nasa 10,000 bilang ng mga protester ang nag-martsa nitong Biyernes para hilingin na tanggalin ang mga lider na na­ging sanhi ng pagbagsak ng kanilang ekonomiya kung saan nagpakawala ng tear gas ang mga pulis sa Beirut kontra sa mga protester.

Nanawagan naman ang Saudi Arabia sa kanilang mga mamamayan na huwag bumiyahe ng Lebanon.

Simula noong 2015, nasa 27,812 bilang ng mga Pinoy ang nakabase sa Lebanon, ayon ito sa record ng Department of Foreign Affairs. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy