Una sa Balita

Mga Pinoy sa Canada nasabik kay Richard

By
0 1,534

VANCOUVER, CANADA – Kahit delayed ng one hour ang Phi­lippine Airlines flight namin nina Richard Gutierrez, Eric Nicolas, at Gian Carlos ng TFC (The Filipino Channel) papunta rito, in fairness, dumating naman kami ng 10 minutes early pa.

Kahit small group lang kami na nagpunta rito, ang saya naman dahil panay lang ang biruan namin.

Si Eric, ini-insist na hindi raw talaga siya naniwala sa akin nang biruin ko siya na 10 ang kakantahin ni Richard para sa show mamaya sa Winnipeg, pero sabi naman ni Gian, tumawag pa raw talaga sa kanya ang comedian para tanungin kung totoong ganoon karami ang kakantahin ng lovey-dovey ni Sarah Lahbati, ‘noh?

Anyway, sa airport pa lang, pinagkaguluhan na ng mga Pinoy si Richard na ang tanong talaga nila ay kung ano na ang kanyang next series sa Kapamilya network after ng La Luna Sangre?

Pati si Eric, maraming lumalapit para magpa-picture dahil napapanood daw siya sa Araw Gabi bilang tatay ni Isabel Ortega.

Eh, bale seven hours pa ang waiting namin sa Vancouver para sa connecting flight namin pa-Winnipeg at dahil wala naman ka­ming magawa sa airport, nag-decide kami na pumunta muna sa downtown para makapamili.

After ng picture-picture, ratsada na kami sa paglilibot sa isang shopping mall.

Nang makita ni Richard ang isang store na famous sa gym/exercise outfit, naalala kaagad ang mga bilin sa kanya ni Sarah, kaya bibilhin na raw niya.

“Sa hectic kasi ng schedule natin, baka hindi na ako makapamili, kaya better if bilhin ko na,” sey ni Richard bago namili.
Kami naman, kuwentuhan habang hinihintay si Richard.

Nang bumalik si Richard, nakapamili na ng mga bilin ni Sarah at sina Zion at Baby Kai na lang daw ang ipapamili niya.

Gusto ni Richard, iba’t ibang sea animals ang bilhin para kay Zion dahil alam na alam daw ng kanyang pa­nganay ang mga ‘yon dahil pareho nga silang mahilig sa dagat.

“Matutuwa si Zion kapag ‘yon ang binili ko for him,” sabi pa ni Richard.

Siyempre, namili na rin siya ng para sa kanya dahil pagdating daw namin sa Winnipeg ay ang pagdyi-gym at training ang aatupagin niya dahil kailangan ay fit na fit na uli siya kapag sinimulan niya ang bago niyang project sa ABS-CBN.

May ibang mga Pinoy nga pala na nagtanong kay Richard kung kailan naman niya makakasamang mag-show rito ang twin-brother niyang si Raymond Gutierrez.

May iba rin na nagsa-suggest na sana pati ang ate niyang si Ruffa Gutierrez at si Sarah ay makasama rin na mag-show rito.

‘Yung mga mas matatanda naman, ang gusto ay makasama niya ang tatay niyang si Eddie Gutierrez, huh!

Eric Nicolas tumatanaw ng utang na loob kay Willie

Si Eric naman, nakakuwentuhan ko. Mabait si Eric at palagi ko siyang nakikita sa mga event at bilib ako sa pagiging ma-PR niya.

Bale si Willie Revillame raw ang naging daan para mapasok siya sa showbiz. Noon daw kasing may comedy bar sa Roxas Boulevard si Willie, isa siya sa mga nagpe-perform at nagustuhan nga raw ng TV host/producer ang kanyang style sa pagpapatawa, kaya isinama siya noon sa Wowowee.

Nang mawala sa ABS-CBN si Willie, nag-stay na siya dahil nagkasunod-sunod na rin ang mga proyekto niya sa Kapamilya network at ngayon nga ay mina-manage na rin siya ng Star Magic.

Ang TFC shows namin dito ay mahigit pang-sampung shows na rin daw niya dahil kung saan-saan na rin siya naipadala.

“Mabait sa akin ang mga taga-TFC, kaya marami na rin akong countries na napuntahan,” sey ni Eric.

Ang show nga pala namin ngayong araw na ito ay ang Samu’t Saring Saya! (A Manitoba Filipino Gathering) sa Maples Multiplex and Ground sa Winnipeg at bukas ay sa The 2018 Phi­lippine Days Festival naman sa The Waterfront Park naman sa North Vancouver, BC