Una sa Balita

Mga Pinoy nurse sa Italy tumulong sa mga biktima ng landslide

By
0 348

DAHIL sa naantig na damdamin, nagkaisa ang mga Filipino nurse sa Genoa, Italy na magbigay ng kasiyahan sa kabataan sa Baguio City lalo na sa nasalanta ng nakalipas na landslide sa Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Association of Filipino Nurses (AFN) sa Genoa, Italy president Nelia Yabut, personal nitong nakita ang sitwasyon ng pediatric ward sa Baguio Gene­ral Hospital (BGH) nang bisitahin ang pinsan sa nasabing siyudad sa pag-uwi nito sa Pilipinas.

Ani Yabut, naantig ang kanyang puso nang makita ang mga bata kung kaya nagsagawa ito ng isang aktibidad, ang AFN, pagbalik sa Italya upang makalikom ng pera na pambili ng mga laruan at telebisyon na inaa­sahang magdaragdag ng kasiyahan sa nasabing BGH at babawas sa nararamdamang pighati ng mga bata.

Dagdag pa ni Yabut ang aktibidad na may temang temang “Pamaskong Handog Para sa mga Bata ng BGH” ay bilang pagrespeto sa pinagmulang bansa.

Umaasa naman si Yabut na masusundan pa ang pagtulong sa mga nangangailangang kababayan sa Pilipinas kahit sa simpleng pamamaraan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy