Una sa Balita

Mga Pinoy nurse pinag-iingat vs illegal recruitment sa Germany

By
0 437

Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Filipino nurse na naghahanap ng trabaho sa Germany sa ilalim ng Triple Win Project na mag-ingat sa online illegal recruitment.

Ito’y matapos makarating sa POEA ang mga ulat tungkol sa isang website na pinatatakbo umano ng mga illegal recruiter na nangangako ng nursing job.

Pinayuhan ni POEA Administrator Bernard Olalia ang mga Pinoy nurse na iwasan ang pagsusumite ng kanilang aplikasyon, pati na rin ng personal information sa pamamagitan ng mga nagpapakilalang online recruitment agency sa halip ay personal na isumite ang kanilang mga dokumento sa Manpower Registry Division ng ahensya.

Paliwanag pa ng POEA na joint initiative sa pagitan ng Pilipinas at Germany ang Triple Win Project na layuning makapagpadala ng mga kuwalipikadong Pinoy nurse para magtrabaho sa nasabing bansa.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, ang POEA lamang ang humahawak ng recruitment at deployment process at wala nang iba pang ahensiya na pinahintulutang gumawa nito.

Hinimok din ng POEA ang mga aplikante na i-report ang mga hinihinalang illegal recruitment activity sa kanilang Anti-Illegal Recruitment Branch.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy