Una sa Balita

Mga Pinoy nars wanted sa Germany

By
0 614

Nangangailangan ngayon ng mga nars ang bansang German­y sa ilalim ng Triple Win Project, isang government-to-government ­project sa German Federal Republic na pinangangasiwaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang mga aplikante ay dapat isang Filipino at permanenteng resident­e ng Pilipinas na may Bachelor of Science in Nursing, may active na P­hilippine Nursing License, at may ilang taon na karanasan sa propes­yon sa mga ospital, mga rehabilitation center at mga institusyon sa pangangalaga.

Dapat din silang magkaroon ng kasanayan sa wikang Aleman o nais sumailalim sa pagsasanay sa wikang Aleman sa Pilipinas upang makamit ang Antas na B1 (na babayaran ng employer), at dapat na dumalo sa klase ng wika sa Oktubre at Nobyembre 2018; o may Bl o B2 Language Proficiency Level alinsunod sa Common European Framework of R­eference for Languages.

Ang mga papasang aplikante ay magkakaroon ng buwanang suweldo na magsisimula sa € 1,900 (gross) na tataas hanggang € 2,300 pagkatapos makilala bilang isang kwalipikadong nars.

Ang employer ang magbabayad ng visa at airfare mula sa Pilipinas patungong Germany at tutulong sa empleyado na maghanap ng angkop na tirahan. Ang mapipiling nars ay magkakaroon ng mga gastusin nang buo o bahagi sa board and lodging.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay dapat magrehistro online sa www.ereqister. poea.gov. pp at personal na isumite ang mga kinakailangang dokumento (itinitipon sa isang folder) sa ilalim ng pamagat na ‘Aleman Federal Employment Agency RSF No. 180018’ sa Manpower Registry Division, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (datin­g POEA Bldg.), Ortigas Avenu­e corne­r EDSA, Mandaluyong City.