Una sa Balita

Mga Pinoy nakatutok sa ₱1.1B jackpot sa lotto

By
0 343

NGAYONG alas-nuwebe ng gabi, Biyernes, tiyak na marami na namang nakatutok sa bola ng Ultra Lotto 6/58 sa government television network PTV-4.

Ito’y dahil sa maaaring umabot na sa P1.1 bilyon ang jackpot prize ng lotto matapos na walang nanalo sa bola noong Martes kung saan lumabas ang mga numerong 12-16-46-03-38-36 na may katumbas sanang premyong P1,026,264,340.

Umabot sa 113 mananaya ang nakakuha ng limang numero mula sa anim na winning combination kaya’t kukubra sila ng tig-P158,760.

Ang jackpot prize ngayong gabi ang pinakamataas sa kasaysayan ng lotto sa bansa.